THIRD PERSON P O V
Simula nga Nuon ay lagi nang tumatawag at nagpapadala ng Bungkos ng Bulaklak si Manolo kay Edlyn. Pero parang Deadma lang sa Dalagang C E O. Talaga nga yatang wala pa sa isip N'ya ang pumasok sa Isang Relasyon hanggang hindi pa buo ang tiwala sa Kanya ng mga Employee Nila.
Pero pursigido naman ang Binatang Teller sa Dalagang tinatangi kahit recently lang Sila nagka - kilala. Parang na Love at sight pa nga ito kaya lakas loob na pumunta sa Opisina ng Kumpanya para sunduin ang Dalagang C E O.
"Good Afternoon! Ahm! Naka - uwi na ba si Miss Palomo?" lakas loob Nitong tanong sa Receptionist na nasa Entrance ng Building ng Kumpanya Nila Edlyn
"Sino pong Miss Palomo? Sir, Tatlo po kasi Sila Dito na puro Palomo ang Apelido." natatawang pairap na tugon ng Receptionist sa Binata
Lihim namang napa - pikit si Manolo, nakalimutan nga pala N'ya na sinabi ni Gail na Silang Tatlong mga Babae na magka - kapatid ay Dios nagta - tarbaho. Gusto na N'yang tampalin ang Nuo dahil Duon.
"Ahm! Si Miss Edlyn, Madam, Nand'yan pa ba S'ya?" malumanay na tanong ulit ni Manolo at iginalang pa N'ya ito. Nagtaka naman ang Binata kung Bakit ganito ang treatment ng Receptionist sa mga Bisita Nila? Hindi ba ito tinuruan ng Good Manners o pinag - sabihan man lang ng Management na maging magalang at maging masuyo kapag nakikipag - usap.
"Ahh! Nand'yan pa sa itaas pati 'yung Dalawang Kapatid N'ya." tugon N'ya na parang nakikipag - usap lang sa Bata. Pinigilan lang ng Binata na matawa at mainis, lahat pala Sila ay nasa Itaas pa, bakit nagtanong pa itong Babaeng ito kung Sino sa mga Palomo Sisters ang hinihintay N'ya.
Lumayo na lang S'ya sa Babaeng Receptionist at naghintay sa labas ng Salaming Pinto ng Entrance ng Building. Baka kasi hindi S'ya makapag - timpi ay masagot pa N'ya ang Babaeng kausap Kanina.
Gumilid lang nga S'ya ng tayo, mabuti na lang at hindi pa naman S'ya natatagalan sa paghihintay ay nakita na N'ya ang Tatlong magka - kapatid na palabas na sa Pintong Salamin sa Entrance. Mas lalo namang nadagdagan ang pagtataka sa Mukha ng Binata nang makita N'yang hindi man lang nagbigay galang ang kausap N'ya Kaninang Receptionist sa Palomo Sisters nang dumaan ang mga ito sa harapan N'ya.
"Magandang Hapon!" Bato N'ya sa papadaang magka - kapatid, halata namang nagulat dahil napa - igtad Sila. "I'm sorry, nagulat Ko yata Kayo." naka - ngiwing sabi Ko sabay kamot sa Aking Batok.
"Ah! Ayos lang!" natatawang tugon ni Alice, napa - hinto naman Sila sa paglalakad. Pina - kilala din kasi ni Gail sa Binata ang ibang kamag - anak Nila Nuong Birthday Party ng Lola Nila kaya Kilala na N'ya ang iba, lalo na sa Pamilya ni Edlyn, s'yempre tinandaan Ko para plus Pogi points din iyon.
"Ahm, pauwi na ba Kayo? Ihatid Ko na Kayo." lakas loob Kong alok sa Kanila.
Nagtinginan naman Sila bago sumagot si Amy naman.
"May sundo kasi Kami, ayan na S'ya." tipid ang ngiting tugon ng Pangalawang Kapatid ni Edlyn. Palapit na nga sa Kanila ang Isang Lalakeng nasa katanghalian ang Edad. Nakita pa N'yang kinuha Nito ang ibang bitbit ng magka - kapatid.
"Ay! Si Ate na lang pala ang isabay Mo. . . " bawi naman ni Amy, pero nakalimutan naman ang Pangala Ko.
"Manolo!" sabi Ko naman
"Ayun! Kuya Manolo, tama! Si Ate, kasi may bibilin pa Kaming ibang kulang na Grocery sa Bahay e baka hindi Kami kasya, kaya S'ya na lang ang ihatid Mo, kasi masama daw ang pakiramdam N'ya." mahaba N'yang sabi, nakita naman ng Binata na kinurot S'ya ng Ate N'ya sa tagiliran.
"Sige! Uwi na lang Ako, ayaw yata ng Ate Mo." paawa effect naman N'ya
"Ay! Hindi!" awat ni Amy sa Braso ng Binata, kunwari lang naman S'yang aalis tsaka tumingin ito sa Atae N'ya na parang nagbabanta.
Narinig pa Nilang humugot ito ng malalim na buntong - hininga.
"Sige na, sasabay na Ako Sa'yo, masama lang talaga pakiramdam Ko." tugon nga ni Edlyn, halata nga sa boses Nito na parang nahihirapan ito sa Sipon at mamula - mula din ang mga Mata.
"Sige! Kuhanin Ko lang ang Kotse Ko!" masiglang tugon naman ng Binata, malaki pa ang ngiting naka - paskil sa Kanyang mga Labi.
Tinungo na nga N'ya ang Parking Lot, gumilid naman ang magka - kapatid sa tabi ng Van Nila pero hindi pa sumasakay, hinihintay kasi Nilang maka - alis muna Sila ni Manolo bago Sila sumunod Dito ng alis din.
Ilang sandali pa nga ay nakasama na sa daloy ng Trapiko ang Sinasakyan ni Edlyn na mina - maneho ni Manolo.
"Baka nagugutom Ka, pwede muna Tayong mag - merienda." alok ng Binata sa Dalagang tahimik lang.
"Hindi na, sa Bahay na lang, masama kasi talaga ang pakiramdam Ko, para kasing gusto Ko na lang na matulog." tanggi ng Dalaga, tumango lang naman ang Binata at pinag - patuloy na ang pagda - drive.
Hindi naman nagtagal ay nakarating na Sila sa tapat ng Bahay ng Pamilya Palomo.
"Sige na, pasok Ka na, hindi na Ako magtatagal para makapag - pahinga Ka agad." Saad ng Binata, inalalayan pa N'ya si Edlyn sa pagbaba ng Kotse
"Salamat, pasensya Ka na, hindi na Kita maaaya sa loob." hinging paumanhin naman ng Dalaga, pilit naman itong ngumiti.
"Ayos lang!" malaki ang ngiting tugon naman ng Binata, "Marami pa namang Next Time" dugtong pa N'yang sabi
Pumasok na nga si Edlyn sa Gate na binuksan ng Kasambahay Nila tsaka lang umalis si Manolo para umuwi sa Kanila.
Kahit naka - uwi naman S'ya ay tinawagan ulit N'ya ang Dalaga para kumustahin pero halata sa boses Nitong hindi maganda ang Kalagayan N'ya. Ginawa naman ng Binata ay nagpadala S'ya ng Prutas sa Bahay ng Dalaga at Bungkos ng Bulaklak pa din. Kasabwat pa N'ya ang Pinsan ng Dalaga na si Gail sa pagtatanong ng Kalagayan ng Babaeng tinatangi. Ayaw kasing sagutin ang tawag ng Binata kaya nanghingi na ng tulong sa Officemate N'ya.
Araw - araw N'yang ginagawa iyon. Natutuwa naman ang Binata dahil nakaka - received na S'ya ng Text galing sa Dalaga na nagpapa - salamat. Ibig sabihin ay maganda na ang pakiramdam Nito.
Pero kahit naka - balik na ito sa Trabaho ay madalas pa din N'yang sunduin ang Dalaga. Pina - pagalitan lang ito ng mga Kapatid kaya sumasama sa Binata. Natuwa naman si Manolo, ibig sabihin kasi Nuon ay kakampi N'ya ang mga Kapatid ng Dalaga.
Pati ang mga Magulang ng Dalaga ay naka - usap na din ng Binata. Kaya medyo nakaka - hinga na ng maluwag ito. Kahit kasi parang tagilid ang ang lagay N'ya sa Dalagang C E O ay parang boto naman sa Kanya ang Pamilya Nito.
Pero ayos lang naman sa Binata ang ganuon, mas mahirap makuha kasi ay mas masarap kapag napa - Sa'yo na. Sabi nga daw sa Kasabihan na walang matimtimang Birhen sa matyagang manalangin.
Naglakas - loob na din S'yang magpa - alam sa mga Magulang ni Edlyn na Liligawan ang Dalaga kahit magka - iba ang Kanilang Estado sa Buhay. Sinabi naman ng mga itong hindi Sila tumitingin sa antas, Basta daw Mahal ang Anak Nila at Mahal din Sila ng Kanilang Anak ay hindi Sila tututol.
Kaya ang ginaw ang Binata ay talagang pinakita N'ya an sincere S'ya at tapat sa pagmamahal ng Dalagang C E O. Kahit na pinag - sasabihan S'ya ng mga Kaibigan na h'wag ng ipilit ang gusto. Baka daw kasi masaktan lang S'ya sa huli. Alam kasi ng mga ito ang ginagawang sakripisyo ni Manolo para sa Babaeng ini - ibig. Hindi naman nakinig ang Binata, katwiran N'ya ay paano N'ya mapapa - tunayan sa Dalaga sa seryoso S'ya Dito kung konting paghihirap lang ay susuko na agad S'ya.
Kaya kahit pinag - tatawanan ang Binata ng mga Kaibigan ay hindi N'ya na lang pina - pansin. Patuloy pa din S'ya sa paniningalang pugad sa Dalaga na mailap. Ang sabi pa nga sa Kanya ay talagang bulag ang pag - ibig. Kaya pangako N'ya sa Sarili na hindi S'ya titigil sa panliligaw hanggang hindi nakukuha ang matamis na oo ng Babaeng Kanyang tinatangi.
Wala namang alam ang Kanyang Pamilya sa paghihirap na dinadanas N'ya sa panliligaw. Pero alam ng mga ito na may nagugustuhan na S'ya, hindi rin naman N'ya sinasabi kung ano ang Estado Nila Edlyn sa Buhay. Baka kasi Sila pa ang Unang pumigil sa Kanya sa panliligaw sa Dalaga.